Seven Hundred Fifty Four pamilya sa kabuuang 2,520 ang nagsisimulang lumipat sa kanilang bagong tahanan. Ang dating pugad ng mga squatters ay isa na ngayong condominium complex. Nagsimula silang lumipat noong Martes (Disyembre 9) hanggang Lunes (Disyembre 15). Kabuuang 21 condo buildings na may limang palapag ang ini-award na sa mga maralitang pamilyang ito. Pito sa mga ito ang naisalin na sa unang batch ng mga benepisyaryo. Bunga ito ng Smokey Mountain Development and Rehabilitation Project (SMDRP) na sinimulan noon pang panahon ni Presidente Cory. Saludo tayo sa programang ito.
Nooy simbolo ang Smokey ng kahirapang naghahari sa bansa. Tinagurian pa tayong "sick man of Asia" sa mga lathalain na ibinabandera ang mga bundok ng basura sa Smokey Mountain. Tapos na ang mga araw na yon. Nagkahugis ang SMDRP noong panahon ni Presidente Ramos na siyang nagtuong pansin sa proyekto. At noong 1994, tuluyang naipasara ang Smokey Mountain at ang gobyernoy nagpatayo ng mga pansamantalang tirahan sa mga residente rito. Ito ay habang ginagawa ang mga mas magarang permanenteng tahanan.
Natapos ang konstruksyon ng mga condo noong 1998. Pero nanatili ang mga benepisyaryo sa kanilang pansamantalang tirahan dahil ipinatigil ni Presidente Estrada ang konstruksyon. Pinag-aaralan pa raw mabuti ang kontrata sa proyektong ito.
Matapos ang matagal na pag-aaral, tinuringan ang programang ito na "flagship project" ng gobyerno. Nang naluklok na Presidente si Gloria Arroyo, mabilis na umusad ang proyekto. Nangako ang Pangulo na makakamit ng mga taga-Smokey ang kanilang pangarap. At tulad nang naipangako ng Pangulo, natupad na ang pangarap ng ating mga mararalitang kababayan sa Smokey Mountain.