Ganun din ang asal ni Sen. Ping Lacson, kaklase pero matinding kaaway ni Matillano. Ani Lacson, kapag siyay mag-Presidente, ititigil niya ang kidnapping sa loob lang ng 180 araw. Abay kung alam pala niya kung paano masusugpo ang krimen, bakit hindi niya ituro ngayon pa lang? Oposisyon nga si Lacson, pero bahagi pa rin siya ng gobyerno. Kaya nga government official ang turing sa kanya, at sumusuweldo siya mula sa bayan. Kung ganun, tungkulin niya na tumulong sa paglaban sa krimen. Ayon sa Constitution, ang pangunahing trabaho ng gobyerno ay paglingkuran at ipagtanggol ang mamamayan. Dahil hindi tumutulong si Lacson, naghihinala tuloy ang madla na namumulitika lang siya. At tila pinatototohanan tuloy ang sinumpaang salaysay ni Danny Devnani na nakipag-deal ang PAOCTF sa Kuratong Baleleng sa ilalim ni Erap.
Kakaiba sa lahat si Sen. John Osmeña. Hindi na nga tumutulong sa gobyerno, sinisiraan pa ang imahe ng bansa. Sa isang malaking pulong ng foreign businessmen, tinanong siya kung ano ang maipapayo niya sa kanila. Ang sagot niya: mag-alsa-balutan na kayo at lisanin ang Pilipinas dahil puro pulitika at kulang sa gawa ang gobyerno. Natulala ang mga negosyante, lalo nat nababasa nila sa mga peryodiko na si Osmeña mismo ang isa sa mga pasimuno ng labis na pamumulitika. Di bat siya ang nag-udyok ng Senate leadership coup detat nung Hunyo 2002?