Pagtaas ng koryente

MATAAS na ang presyo ng ating koryente at kahit anong tipid ang gawin natin ay malaki rin ang ating binabayad na nanggagaling sa kakarampot ng kinikita ng bawat pamilya. 

Ngayon naman, itong pagpayag na muling magtaas ang Meralco ng presyo ng koryente sa halagang 12 sentimo kada kilowatthour.  Hindi na nga natin maramdaman ang sinasabing pagbaba kuno ng ating koryente dahil sa PPA na pinaalis raw ni Madam Senyora Donya Gloria dahil ang pinalit naman ay sangkatutak at pagkahaba habang listahan ng dapat bayaran.

Ngayon tataasan na naman at pinayagan na nga ni Ginoong Manuel Sanchez ng Energy Regulatory Commission.  Siyempre, pasok ang Malacañang at kakausapin daw ang ERC para baguhin daw ang desisyon nito na payagan ang Meralco na magtaas.

Ang ganitong klaseng mga kilos ay malinaw na lokohan dahil sino ba ang nagtalaga kay Ginoong Sanchez bilang Chairman ng ERC,  hindi naman siguro tayo dahil hindi siya halal ng bayan.  Isa pa, hindi ba ang ERC ay nasa ilalim ng Department of Energy na pinamumunuan ni Sec. Vince Perez na appointee rin ng Malacañang. Di ba si Madam Senyora Donya Gloria?  Sabagay hindi rin halal ang Madam sa pagkapangulo.

Kung ganuon, ibig ba sabihin ng Palasyo na ang pagtaas ng koryente na isang napakasensitibong bagay lalo na ngayong nalalapit ang eleksiyon ay hindi hihingi ng clearance si Sanchez.

Huwag n’yo nang bolahin ang sambayanan, hindi naman kami tanga bagamat hindi kami nakapag-aral sa Estados Unidos o Europa gaya ni Madam Senyora Donya Gloria at ilang mga alipores.

Kung gusto n’yong pabababain ang presyo ng koryente kaya n’yo yan, tiyak paalala lang hindi magpapasalamat ang mamamayan pag hindi buo ang roll back.

Huwag kayong magdrama lang na pinayagang itaas ni Sanchez at ibaba ng ilang sentimo dahil sa apila ni Madam na nagluklok sa kanya sa position.

Kung talagang sinsero ang Malacañang na ibaba, yung tunay na pagbaba at yung makikita natin sa pamamagitan rin ng pag-alis ng iba pang pasanin ng pinapataw ng Meralco sa sambayanan gaya ng 16.4 percent na systems loss at iba pang parusang pinasagot sa atin.

Hindi natin kasalanan ang kapalpakan ng mga opisyal ng Meralco at sa taas ng sinisingil nila ay dapat lang na ang ilang bahagi ng kanilang kita ay mapunta sa expansion at hindi na manggaling pa sa atin.  Huwag nilang igisa ang sambayanan sa sariling mantika. 
* * *
Tungkol pa rin sa koryente at idamay na natin ang tubig, karapat dapat itanong sa bawat kandidato, hindi lang yung naghahangad maging Pangulo at Pangalawang Pangulo kung hindi Senador kung ano ang panindigan nila ukol dito.

Hindi na kailangan ipaliwanag kung gaano ka importante ang isyung ito, pero tandaan natin ang lahat ng antas ng lipunan ay apektado pag tungkol sa koryente, tubig at gasolina.

Dapat rin nating malaman kung ano ang partisipasyon nila sa EPIRA law na isa ring dahilan sa pagtaas ng koryente?  Ito yung isa sa mga batas na nagsasaad na dapat bumili ng koryente sa mga independent power producer kahit na mas mataas ang benta nito sa National Power Corporation.

Huwag ho nating kalimutan at sa darating na halalan tayo lubos na makakaganti.  Bagamat malayo pa ay nagpapaalala na tayo. Paalalahanan natin ang bawat isa.

Madam Senyora Donya Gloria ang lumagda para isabatas ang EPIRA law pero sino pa ang mga kandidatong may kinalaman sa naturang batas o ibang batas na pinagmulan nito.
* * *
Marami pa ho tayong natatanggap kung sino ang nais nilang maging Pangulo at Pangalawang Pangulo at atin hong ibahagi ang ilan.  Paumanhin po at hindi natin kayang ilathala ang lahat.  Muli pasasalamat sa inyong patuloy na pagtangkilik.
* * *
Wsh klang ano sna sa drting n elect‚n mnalo c Raul Roco at ilglg c FPJ GMA. –09182994322; Gusto ko iboto c Gloria kc marami na siyang nagawa sa ating bansa d 2lad ni erap nangurakot ng nangurakot at pag susugal lang gnawa ganyan din c FPJ wlang pnag k iba kay ERAP parehas lang cla lalo lang tyo lulubog dhil wlang kaalam2. –09208123096;

Congrats ko lang c sen. ping pnkamaganda ung platform nya s lahat. Sana manalo cya para ma2pad un. –09173924100;  4 me talaga si lacson pra tumino na ang bansa at ang tao pra ang tulad ni pidal ay mawala. –09274170827;

Mga driver ng jeep, taxi at tricycle ng kalookan 4 lacson solid 4 president, fpj for vice. –09194428842; Nki2ta ko imahe ni ninoy ky roco, aangat ang bnsa ntin kng sya n lang. –09164669879; Kaht ano sabihin nla fpj p rin kmi. –09228028662;

Ky gma me at ky roco kc c lacson s tuso yan c fpj nman klang s kaalman. –09185703115;  4 me its fpj bcoz hndi sya madaling sulsulan at magpupursigi cgurado sya upang makitang maunlad at masaya ang ating nac2rang bansa. –09202366579;

Ping at fpj tandem ang walang katalo talo. –17023382092;  C gma na lang ulit me background n cya pti fther nya nging pres. rn alam n nya hwakan ang bnsa ntin. –09207731597; Pag lacson no corruption, no crime, peace and order for this sinking country. –09208142288; Si ping lacson ang iboboto k bilang presedente ng pilipinas kc pag cya ang na2lo marami matatakot na pulis. D2 sa naia marami ang pulis na nangongotong. –09183545362.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments