San Francisco Javier

NGAYON ay kapistahan ni San Francisco Javier, patron ng mga misyon. Dinala niya ang pananampalataya sa libu-libong mga tao sa India, Japan at ninais ding dalhin ang pananampalataya sa China. Basahin ang Mark 16:15-20.

Sinabi ni Jesus sa kanila,"Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: Sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay."


Pagkatapos magsalita, si Jesus ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito.

Tamang-tama sa pagdiriwang natin ng tagumpay ni San Francisco Javier at lahat ng mga kaluluwang natulungan niyang makarating sa langit.

San Francisco, napakarami pang tao ang dapat makaalam tungkol sa pananampalataya dito sa Asya, huwag nang banggitin pa yaong mga nandoon sa Africa. Tulungan mo ang mga misyonero na magampanan ang kanilang tungkulin nang sa ganoon ay marami pa ang makakilala sa ating Panginoon.

Show comments