Ayon sa aking bubwit, 23 days na lang. Pasko na.
Happy birthday muna kay Andy Vital, Andy Verde ng DZRH, Myrel Joyce Garcia, Edna Macanoquit ng Cagayan de Oro City, Engr. Terry Collado at William Liong ng Seafood Wharf.
Ayon sa aking bubuwit, usap-usapan pala ng mga caddy ang negosyante sapagkat meron itong kakaibang ugali kapag naglalaro ng golf.
Sabi nga ng mga golfers, sa golf course daw nalalaman ang tunay na ugali ng isang tao.
Dito lumalabas ang pagkatao ng mga ito lalo na kapag natatalo at malalaki ang kanilang pusta.
Naalala nyo ba si dating Marikina Rep. Romeo Candazo nang paluin niya ng golf club ang isang lady caddy sa Forest Hills Golf Club, Antipolo City? Di ba kinasuhan siya ng physical injuries dahil sa pagpalo sa caddy?
Dahil super yaman ang nasabing businessman, kapag naglalaro ng golf yan ay sakay sa kanyang helicopter.
Kapag nakita na palanding na ang helicopter ni Businessman, ung mga caddy at umbrella girl ay biglang mawawala. Sila ay magtatago upang hindi sila ang magiging caddy o taga-payong ni Businessman. Parang may ketong na nilalayuan siya ng mga caddy.
Ang malungkot pa nito ilang oras nang taga-dala ng kanyang golf set ang caddy ay hindi pa binibigyan ng tip.
Pati yung taga-payong na dapat ding bigyan ng tip ay hindi na rin inaabutan ni Businessman.
Grabe naman ang taong ito!
Si Businessman ay kilala sa real estate industry. Nagpatayo na siya ng malalaking subdivision at mga golf courses. Maimpluwensiya kaya pati mga bundok sa mga probinsiya ay napatituluhan niya at ginawang subdivision.
Siya ay walang iba kundi si Businessman S. as in Sand Trap.