Actor-TV host, kotse ang ipinambayad matapos matalo sa golf

ALAM n’yo bang kotse ang ipinambayad ng isang actor-TV host matapos talunin sa golf ng isang dating mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, 37 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Bro. Prosecutor Manny Velasco, Sidney Cabuyadao, Miriam Cornelio, Jerika Rabago, Leo Cabalteja, Rowena Pioquinto, Dr. Panjee Pangilinan ng Antipolo Hospital at Nerissa Papa-Fuentes ng New Jersey, USA from Prof. Nenita and Nestor Papa.
* * *
Alam n’yo bang kotse ang ipinambayad ng isang actor matapos itong talunin sa golf ng isang dating mayor?

Ayon sa aking bubuwit, nakipagpustahan nang malaki ang actor sa isang sugarol na mayor nang maglaro sila ng golf. Ang lakas naman kasi ng loob ng actor na makipagpustahan ng malaki. Bagito pa lamang siya sa paglalaro ng golf samantalang si ex-mayor ay mahigit 20 taon nang naglalaro ng golf.

At bukod pa riyan, madaya si ex-mayor na kalaro. Dahil madaya si ex-mayor, inaayawan siyang makalaro ng mga dati niyang kapustahan.
* * *
Kasi, kapag natalo, ang ibinabayad ay tseke. At ang mga iniisyu na tseke ay madalas namang tumatalbog.

Ayon sa aking bubuwit, noong unang mga laro sa golf ay pinapadama lamang ni ex-mayor si actor-TV host. Dahil sadyang nagpapatalo si ex-mayor, akala naman siguro ni Actor ay kayang-kaya niya.

Nagpustahan sila ng malaking halaga.

Siyempre, dahil beterano na si ex-mayor sa golf bukod pa sa pagiging madaya, tinalo si actor-TV host.

At dahil walang sapat na pera, ang ibinayad na lamang kay ex-mayor ay ang kanyang kotse.

Kawawa ka naman Boy. Ano, nag-taxi ka na lang pauwi o inihatid ka pa ni ex-mayor?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang madayang kalaro sa golf lalo na kapag malaki ang pustahan ay walang iba kundi si ex-mayor...

Kilalang-kilala ito sa Las Vegas, Nevada, USA. High roller ito sa mga casino. Siya ay walang iba kundi si dating Mayor M.A. ng Metro Manila.

Ang actor-TV host naman na natalo at ipinambayad ang kanyang kotse ay si actor R. as in Restroom.

Show comments