Tinutukan ng baril

Gusto ko po sanang hingin ang advice n’yo tungkol sa nangyari sa ‘kin dalawang buwan na ang nakakaraan. Nagmamaneho po ako pauwi isang gabi palabas ng Makati nang bigla po akong ginitgit ng isang mapormang kotse. Muntik na po akong mabangga nito dahil pabalagbag po magmaneho ang driver. Buti na lang marahan lang po ang takbo ko.

Nagulat na lang po ako nang hininto ng driver ang kanyang kotse at bumaba siya pati na ang kasama n’yang lalaki. Mahigit 40 years old po siguro silang dalawa at mukhang siga. Bumaba rin po ako dahil akala ko magso-sorry sila. Ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Sa halip ay sinabihan ako ng driver na hahara-hara sa kalye kaya muntik ko na raw mabangga ang bagong kotse n’ya. Sinabi kong siya ang masyadong mayabang kung magmaneho dahil ‘yun naman ang totoo.

Nagkakasagutan na kaming dalawa nang bigla s’yang bumunot ng baril at itinutok ito sa direksyon ko, sabay tanong kung papalag daw ba ako. Sumagot ako na malakas lang ang loob n’ya dahil may baril s’ya. Tamang-tama namang may police car na dumaraan kaya agad s’yang inaresto ng mga pulis.

Sa imbestigasyon ay lumabas na may kaukulang permit to carry ang baril n’ya at wala naman daw itong bala. Ngunit mali pa rin ang pananakot na ginawa n’ya.

Ano po kaya ang maari kong ihabla sa kanya para hindi na n’ya ‘to ulitin sa iba?

–Ryan Pascual Binangonan, Rizal


Dapat mo s’yang idemanda sa kasong grave threats. Grave threats are acts of threatening another with the infliction upon the person, honor or property of the latter or of his family of any wrong, which amounts to a crime.

The act of pointing a gun at you and threatening to shoot you constitutes as a threat to you, which amounts to a crime. Kahit wala s’yang intensyong iputok ang baril n’ya dahil nga wala namang bala ito, mali pa rin ang ginawa n’yang panunutok at panana-kot sa ‘yo. Hindi mo dapat palampasin ang mga ganitong klase ng tao na naghahari-harian sa kalye.

Sa ganang akin, kung mainitin ang ulo ng isang tao, huwag magdala ng baril sa sasakyan. Maglalapit lang ‘yan sa gulo o sa kamatayan.

Show comments