Mula sa pier papuntang Clark ay naglalaho na itong parang bula kahit daw under guard ang mga kargamento?
Ang mga shipments ay mga general merchandise intended umano sa ilang bodega ang Duty Free.
Siguro panahon na para matigil ang operasyon ni Blandy Florentino at ang kanyang katotong si Nilo Raymunda. Ang grupong ito ang nagpapahirap sa bayan porke ang kanilang shipments ay walang bayad sa gobyerno. Nama-madyak ito. Ika nga, sa ibang tindahan napupunta imbes sa Clark.
Kailangang magkapit-bisig si Customs Commissioner Antonio Bernardo at BIR bossing Willy Parayno para ma-double check ang mga sinasabing palusutan blues. Hirap sa buwis ang gobyerno.
Kapang-kapa ni Parayno ang Aduana dahil dati siyang bossing dito. Halos lahat ng mga shipments na dumarating sa Pinas ay hindi nakalusot kay Parayno noong aktibo ito sa bureau. Dahil puro no si Parayno kaya nabawasan ang mga mandaraya. Huminto ang iba sa kanila. Umaatungal ang bawat sindikato kay Parayno kasi puro sabit ang kanilang shipments.
Matindi ang asset ni Parayno umaalis pa lang ang barko sa port of origin ay monitor na nya ang laman ng shipments. Kaya lahat ng bomba ay betsa kay Willy. Gumanda ang buwis sa gobyerno dahil bayad sila ng tama. Ika nga, walang palusutan. Walang gago sa customs dahil takot kay Willy. Pero ngayon bagsak ang collection.
Kaya kailangan pabangisin ang monitoring ng secret service ng Palasyo para gumanda ang koleksyon.
Ika nga, paigtingin ang secret service ng Palasyo para sila mismo ang kumalkal ng impormasyon. Talagang mahirap kapain ang smuggling operations sa mga puerto lalot may sabwatan sa pagitan ng mga bugok na gago. Noon kahit tsismis ang impormasyon ay inaaksyunan agad ang sumbong. Hindi na pinapaporma ang mga bugok transfer agad ito o sa kangkungan kaya doon sila pinupulot.
Alam naman ng taga-bureau kung sino ang bugok, anang kuwagong himalmag.
Siyempre sa tagal na nilang magkakasama amoy pa lang ng katabi nila alam na nila kung mabaho o mabango, anang kuwagong Kotong cop.
Kawawa ang gobyer- no at taumbayan kung pasadsad ang collection, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kaya dapat magkapit-bisig ang BIR at BOC para malaman ang lalim at lawak ng operasyon ng mga bugok?
Iyan ang maganda para magkasubukan.
Ilutang na ang dapat ilutang.
Abangan natin ito, kamote.