Pagmamahal sa Diyos at kapwa

ANG pinakamahalagang bagay sa buhay ay ang magmahal. Ito ang sinabi ni Jesus sa isang eskribang nagtanong sa kanya: "Ano ang una sa lahat ng mga utos?"

Basahin ang Mark 12:28-34 sa detalye.

Narinig ng isa sa mga eskribang naroon ang kanilang pagtatalo. Natanto niyang mahusay ang pagkasagot ni Jesus sa mga Saduseo, kaya lumapit siya at nagtanong, "Ano pong utos ang pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos –siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang ikalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.’ "Tama po, Guro!" wika ng eskriba, "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya sinabi niya, "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos."
At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.

Kung ang pagmamahal ay hindi ang pinakaimportante sa aking buhay, nangangahulugang napakalayo ko pa sa paghahari ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi ko minamahal ng aking buong pagkatao, nangangahulugan na ang pagmamahal ko sa kapwa ay isang pagpapakitang-tao lamang. Ang pagmamahal sa kapwa ay nagmumula sa pagmamahal sa Diyos.

Show comments