Hindi ko binayaran ng dalawang buwan ang aking upa bilang protesta sa hindi pag-aksyon ni Aling Lagring sa aking pakiusap na ipagawa ang bubong ng bahay na inuupahan ko. Anak naman po nya ang nakabutas nito nang tamaan ng batong hinagis niya habang siyay naglalaro.
Isang araw ay dumating si Aling Lagring at galit na naniningil ng aking dalawang buwang pagkakautang. Sinabi kong magbabayad lang ako kung ipapagawa nya ang butas kong bubong.
Kinatwiran ni Aling Lagring na hindi naman daw nya alam at mapapatunayan kung pano nabutas ang bubong ko kaya hindi sya ang dapat magpagawa nito. Dito na po nag-umpisa ang aming pag-aaway.
Kinabukasan ay umalis ako ng bahay upang pumasok sa opisina. Lingid sa kaalaman ko ay agad pinasok ni Aling Lagring ang bahay kong inuupahan upang palitan ang kandado. Meron pala syang duplicate key sa main door ng bahay ko. Tama ba ang ginawa niya? LOURDES SARINO, Cubao, Quezon City
Hindi tama ang ginawa sa yo ni Aling Lagring kahit hindi ka nakabayad ng yong upa. Ang tamang proseso ay padalhan ka nya ng demand letter para magbayad ka. Kung hindi ka pa rin magbayad, puwede ka naman nyang sampahan ng kasong Unlawful Detainer. Pero di sang ayon sa batas yung biglang pagpapad-lock na ginawa ni Aling Lagring upang puwersahan ka nyang pigilan na pumasok sa inuupahan mong bahay.
Maari mong sampahan ng kasong Grave Coercion si Aling Lagring dahil sa paggamit nya ng puwersa upang pigilan ka sa paggawa ng isang bagay na hindi bawal sa batas. May karapatan kang pumasok sa bahay na yon dahil wala pa naman order mula sa Korte na lisanin mo ito. Bukod pa dyan ay may rason kang wag magbayad ng upa dahil ayaw nyang ipagawa ang bubong na nasira ng anak nya.
Kung sya ay mapatunayang nagkasala, the penalty of ar-resto mayor (prisonment from 31 days to six months) and a fine not exceeding P500 shall be imposed upon her.