Natuwa ako nang nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program. Naging interesado ako rito. Maaari ba akong magbigay ng mas malaking kontribusyon? Ano ba ang mangyayari sa aking kontribusyon? At kailan ko naman ito maiwi-withdraw?
MAY ng Hong Kong
Ang halaga ng maaaring kontribusyon ng isang OFW ay hindi lamang ito batay sa halaga ng kanyang buwaang sahod. Maaari ring dagdagan ang halaga nito sa sarili na ring kagustuhan ng miyembro. Maaari kayong magbayad ng US dollar o Canadian dollar. Maaari ring piso batay sa halaga ng dolyar sa araw ng pagbibigay ng kontribusyon.
Ang mga miyembro ay makakatanggap ng fixed dividends sa kanilang kabuuang hulog kung walang utang sa Pag-ibig at sa sumusunod na halaga:
7.5% per annum sa mga peso contributions
3.0% per annum sa mga US $ contributions
2.5% per annum sa mga Canadian $ contributions.
Ang lahat ng inyong kontribusyon ay binibigyan ng guarantiya ng ating pamahalaan. At ang inyong kontribusyon ay mananatili sa inyong pangalan kahit kayo ay lilipat ng kompanya o lumipat man kayo ng tirahan. Ang inyong inihulog ay maaaring mai-withdraw pagkatapos ng 5, 10, 15 o 20 taon batay sa membership term na pinili ng miyembro.