Kung tutuusin, nakatakas na sa ibang bansa ang pinaka-matataas na akusado: Gen. Jewel Canson, lumipad sa California nung Feb. 1, 2003; Cols. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao, sa Amerika rin nung April 2001 nang masangkot sa kidnapping-murder nina Bubby Dacer at Awel Corbito; at Lt. Col. Glenn Dumlao, state witness sa Dacer-Corbito pero taga-ratrat sa Kuratong, nawala sa Camp Crame nung Marso 2003.
Nagse-security sa opisina ni Ping sina Gen. Francisco Zubia, Lt. Col. Almario Hilario, at Maj. Gil Meneses. Sila ang nagtago kay Pidal witness Udong Mahusay sa Tagaytay, pero walang pahintulot ng PNP headquarters na mag-sideline kay Ping.
Sina Gen. Romeo Acop, Lt. Vicente Arnado, SPO2 Rolando Jimenez at SPO1 Wilfredo Cuartero ay retirado na.
Yung iba pang akusado, hindi na mahanap o kaya binigyan pa ng maselang posisyon: Col. Zorobabel Laureles; Maj. Jose Erwin Villacorte; Capts. Rolando Anduyan at Joselito Esquivel; Lts. Ricardo Dandan at Cesar Tannagan; SPO4 Roberto Langcauon, Angelito Caisip at Antonio Frias; SPO3 Cicero Bacolod Willy Nuas, Juanito Manaois at Virgilio Paragas; SPO2 Cecilio Morito at Reynaldo Las Piñas; SPO1 Roberto Agbalog; PO3 Osmundo Cariño; PO2 Norberto Lasaga, Leonardo Gloria at Alejandro Liwanag; at civilian agents Elmer Ferrer at Romy Cruz.
Ngayong pinal na ang desisyon na buhayin ang kaso, gano kaya katagal aabutin ang PNP na ma-account lahat sila?