Mahirap lang ang pamilya nila, subalit maayos at masaya. Nakatira sila sa Galas, Quezon City at lahat sila ay kilala ng mga kaibigan at kamag-anak sa pagiging masikap, mabait at matulungin.
Ang yumaong lolo ni Matel ay kumpadre ng ama ko, ninong ng kapatid ko hindi lang sa binyag kung hindi pati sa kasal. Lahat kami ang tawag tuloy sa kanya ay Ninong. Ang tunay niyang pangalan ay Teofilo, sa kanya kinuha ang pangalan ni Matel.
Mula pagkabata ay naaalala ko ang pagpunta namin sa kanilang tahanan, maliit ngunit malinis, kung hindi sa araw ng Pasko ay Bagong Taon.
Masaya ang pakiramdam pagka nandoon kami, para na kaming pamilya at iba talaga ang pagkaing hinahain. Kaldereta, embotido na home made, leche plan na ubod ng sarap at iba pang putaheng super sa sarap.
Open house sa lahat at isang bagay yon na ayaw ni Ninong na hindi niya gagawin, kahit na paliit nang paliiit ang kita nila. Kailangan daw ipagdiwang ang araw ng PASKO at salubungin ang BAGONG TAON.
Sila ang sariling nagluluto, lahat sila magaling na cook at noong bata ako inisip ko na yun ang dahilan kaya mataba si Ninong at karamihan sa kanyang mga anak, pati ang tatay ni Matel na si Eming.
Siyanga pala, abogado at accountant si Ninong at siya pa ang may hawak ng libro ng negosyo ng pamilya, marangal siyang tao at nirerespeto ng lahat, matampuhin nga lang.
Naaalala ko na kapag ayaw naming sumama hindi papayag si PAPA, magagalit daw si Ninong kaya kami naman, di sama na, sarap na ng pagkain may pakimkim pa.
Nang mag-asawa na ako, hindi na ako sumasama pero si utol at ang magulang ko taun-taon pa rin ang pagpunta. Naririnig ko na lang sa kanila na marami na raw sakit si Ninong at pahirap nang pahirap ang buhay.
Ganoon pa man, sinikap niyang makapag-aral ang mga anak at nagtutulungan rin mapag-aral ang mga apo kasama na si Matel. Si Matel ay masipag at matiyaga at nagplano pang makapunta sa US kaya nursing ang kinuha. Lagi niyang sinasabi sa kanyang Lolo na sasama niya ito sa US. Isang pangarap na nasira ng KURATONG BALELENG.
Malapit nang magtapos si Matel. Dumaan siya ng SM Centerpoint upang mamili ng kailangan sa klase. Siya namang paglabas ng grupo ng KURATONG BALELENG na katatapos lang holdapin ang isang banko.
Walang dahilan, hindi man lang nakaharang, nagkataon lang na naglalakad papasok sa mall at hindi sa banko tutuloy. BINARIL at PINATAY si MATEL at ang pag-asa ng pamilya pati na ang PANGARAP niya para sa kanyang Lolo at Ninong namin.
Hindi nila maibabalik ang buhay ni MATEL, hindi nila inisip ang karapatang pantao ni MATEL, ni Ninong, ni Eming at ng kanyang pamilya.
Ilan pa ang pinaslang nila ng walang awa. Ilan pa ang sinira nilang buhay at pamilya. Ngayon, kayo ang humusga, ang mga kriminal na ganoon ba ay may human rights? Dapat ba silang bigyan ng proteksyon? Maibabalik ba nila ang mga MATEL na pinaslang nila? Kayo mga kaibigan at mahal kong mambabasa ang dapat tanungin. Text lang ng inyong sagot sa 09272654341.
(Nagkamali ho ako sa nakaraang isyu sa pagsasabi kong bagong nursing graduate si Matel, hindi pa pala. Graduating siya ng mapaslang. Paumanhin ho sa inyo.)
Vry obvious pltics kc after Gloria pidal anouncd shes running d suprme court re open kuratong case kc alam nla sure win 4 pres c lacson kya gmik c gma pidal. 09194202909;
Kung may sala tlga c lacson sn mtgal n e2 tpos msydong hlta c donya glo n nmu2litika lng cya. 09164472647; Dpat lng n mawala ang mga grupong katulad ng kuratong, dhil sila ang mga masasamang halimbawa ng lipunan. 09166182380;
Napunta n tlaga sa kangkungan ang mga karapatan ng mga biktima ng kb, dhil sa korupsyon at hawak sa leeg ng gobyerno ang judiciary. 09167004730; Korte Suprema sipsip k donya pidal n protek2r ng mga kurakot at kura2ng ky tkot k sen. ping n maaaring 2malo s knila. 09228028662;
Kua suabe ang pagtatanggol mo kay la (c ) son pro para sa mga bo-bo lang yan sinulat mo. Di mo ba alam kung sino ang mastermind ng kuratong si lacson mismo kaya nga pinatay lhat para wala sabit ang bobo mo. 09272804201. (Mukhang alam niyo lahat, bakit di ka lumantad at tumestigo para makatulong);
Ang mga kuratong ay mga salot sa lipunan, nagpapahayag ako ng pagsuporta sa butihing senador. 09166000261; Hndi icio ang kuratong baleleng. Dalawa lamang po ang tanong doon e. masamang tao ba o mabuting tao ang kuratong baleleng? 09204220336;
Si gma ang nglgay sa knila s pwesto at ciempre natural cno ang kakampihan nila si lacson ba na kaaway ng amo nila. 09196582860; Kung pgbbchan ang gnawa ng mga kura2ng s gngawa ni lacson ngyon. Aba korte suprema maawa nman kyo s mga nbktma ng kura2ng, kay fg yata kayo naawa. 09198152654;
Pati sc nagpapagamit na rin san k nman nkakita masamang tao n ipinagtatangol p. only in gma govt. 09194054085; D na mganda batas ngayon, kuratong mrami pinatay pti bata pinagtatanggol pa ng btas. 09179069672;
Bkit pbbuksan uli ang kuratong eh kriminal ang mga i2 walang ksalanan c lacson at iba pang pulis d2 nasa tamang posisyon cla noong gnawa nila i2 ang dpat btikusin d2 ay ang jose pidal dahil yan ang totoo. 09198117925.