Ayon sa aking bubuwit, 77 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Bro. Atty. Eddie "Ding" Jara ng Chief ng SSS-Mindanao; Jose"Jekjek" Taruc IV, Edna Lising, Krisel Diaz, Sarah Pamplona, Timmy Sallador at kay DJ Sugar ng Yes-Fm.
Ayon sa aking bubuwit, marami sa parokya ng isang Obispo ang nagulat sapagkat ang namatay na ayaw papasukin sa loob ng simbahan ay isa nilang debotong miyembro.
Ito ay aktibong miyembro ng Marriage Encounter.
Anong klaseng alagad ng Diyos na naman ang mga paring ito? Ipinagkakait nila sa mga kapwa nila Katoliko ang tahanan ng Diyos?
Naulit na naman ang ginawa ng ilang kaparian sa Catholic church sa ginawa nila noon kay Army Col. Manayao na napatay sa isang ambush ng mga NPA sa Isabela.
Hindi rin ito pinayagan na mabigyan ng bendisyon sa isang Catholic church sa Nueva Ecija.
Ayon sa aking bubuwit, noong October 7, 2003, pinuntahan ng isang pari ang burol ng namatay sa Funeraria Ortiz sa Tuguegarao City, Cagayan. Pinagsabihan ng pari ang biyuda ng namatay na huwag nang dalhin sa Cathedral ng Tuguegarao ang yumao nitong mister. Ito diumano ang utos ng kanilang Arsobispo.
Hindi nagbigay ng paliwanag ang napag-utusang pari kung bakit hindi puwedeng ipasok sa simbahan ang namatay.
Ang sinabi lamang ay hindi tinatanggap sa simbahan ang mga namamatay na mason.
Siya ay si Bro. Romeo "Boy" Tobias ng Gonzaga Lodge, Tuguegarao City.
Siya ay inilibing na lamang sa Tuguegarao Memorial Park nang hindi nabigyan ng religious rites mula sa kanilang Simbahang Katoliko.
Kung ayaw nilang papasukin sa binansagang Tahanan ng Diyos sa Cathedral ng Tuguegarao City, dalhin na lamang sa simbahan ng Iglesia Filipina Independiente o sa Aglipayan church.
Ang Arsobispo na nagbigay ng order upang huwag papasukin sa Catholic church ang bangkay ng isang mason ay walang iba kundi si Archbishop Diosdado Talamayan ng Tuguegarao City.