Isa-isa nang kinukunan ng ebidensya ng nasabing opisina ang mga bugok na Customs personnel dahil nagtataka sila kung bakit karamihan sa mga ito ay gumagamit ng mga imported luxury vehicles na hindi kayang bilhin kung suweldo lamang nila ang pagbabasehan.
Bukod dito, ang ilan sa mga pamilya ng bugok na Customs personnel sa Subic ay nasa Amerika.
Ika nga, ang mga anak nila ay doon pa nag-aaral.
Ang grupo ni Ric Water, ang nagtutubig-tubig na utak ng sindikato sa Subic customshouse ang nagmamanipula ng mga illegal operations dito katulong ang mga bugok na Customs personnels.
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung bakit patuloy pa rin ang grupo ni Ric Water, ang economic saboteur, sa pamamayagpag sa nasabing lugar.
May malaking pitsa kasi siyang iniaabot sa mga bugok na Customs personnel kapag may operasyon silang gustong madyikin sa customshouse.
Si Lt. Polipoly, ang tinaguriang "the Bagman" at kanang-kamay ni Ric Water, daw ang nagdedesisyon kung sinu-sino ang dapat aregluhin sa mga bugok na Customs.
Masyado kasing malakas si Lt. Polipoly sa kanyang among si Kuya Ver, ang pekadores ng mga scholastic records sa bureau.
Alam nating hindi lahat ng taga-Customs sa Subic ay kurap pero iba kasing gumalaw ang grupo ni Ric Water.
Ika nga, masasama ka sa agos ng tubig kapag hindi ka pumayag sa gusto ni Ric Water.
In short, baka ka mabaon sa burak!
Tamo si Kiam Bow ng LTO, grabe na ang yaman dahil P80,000 kada kotse ang parte niya kapag namadyik ang papeles.
"Patay ang mga patong na bugok oras na umpisahan ng Ombudsman ang imbestigasyon," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Dapat lang masibak ang mga ito sa kanilang tungkulin dahil sila ang nagpapahirap sa bayan," sagot ng kuwagong Kotong cop.
"Kapos sa espasyo ang Chief Kuwago."
"Sa susunod na isyu, ikukuwento ulit natin ang mga kaganapan sa Subic Customshouse."
"Iyan ang maganda, kamote!"