Perindopril: Para sa mga may coronary heart disease

SA susunod na column ko na ipagpapatuloy ang pagtalakay sa prostate cancer na sinimulan ko noong nakaraang linggo, sa halip ang tatalakayin ko ngayon ay ang tungkol sa isang gamot na mahusay para sa mga may coronary heart disease na isa sa mga dahilan ng kamatayan ng maraming tao. Ang gamot ay tinatawag na ace-inhibitor Perindopril.

Sa isang pag-aaral na nalathala sa Lancet journal, napatunayan na ang Perindopril ay epektibong gamot at ibinibilang na ngayon na kahanay ng mga kilalang aspirin, beta blockers at statin.

Ang cardiovascular disease (nabibilang sa coronary heart disease) ay isa sa mga nangungunang dahilan ng kamatayan sa buong mundo sa kabila na may mga therapeutic advances gaya ng paggamit sa aspirin, statins at beta blockers. Ang paggamot sa pamamagitan ng Perindopril ay napabababa ang panganib sa cardiovascular disease ng mga pasyente.

Sinabi naman ng European trial on reduction of cardiac events with Perindopril in patients with stable coronary artery disease (EUROPA) na ina-assessed nila at pinag-aaralan kung paano napababa ng Perindopril ang panganib sa cardiovascular disease sa low risk population. Over 12,000 patients from several European countries with coronary artery disease (65 percent of whom had previous heart attack, 61 percent with angiographically proven coronary artery disease, 55 percent with coronary revascularization) were randomly assigned Perindopril 8 mg once daily or placebo and followed up for an average of just over four years.

Sinabi ni Kim Fox, co-chairman ng EUROPA na ang mga may stable coronary heart disease na hindi nakararanas ng heart failure ay nagawang maimproved ng Peridopril. Ang paggamot aniya sa pamamagitan ng Perindopril ay dapat ikonsidera tulad ng iba pang gamot para sa mga may coronary heart disease.
* * *
Kung mayroon kayong katanungan kay Dr. Elicaño, sulatan siya. Ipadala sa ganitong address: WHAT’S UP DOC? ni Dr. Traquilino Elicaño Jr. Pilipino Star NGAYON, Railroad cor R. Oca Sts. Port Area, Manila

Show comments