May kasabihan na ang isang taong nasa bingit ng kamatayan ay hindi nagsisinungaling. Tapalan man ng bilyong piso ang isang naghihingalo para siraan ang isang taoy hindi magagawa. Alam niyang itoy magiging pases niya sa impiyerno. Ang tanging gusto ng isang malapit nang mamatay ay mahugasan ang kanyang kasalanan bago ang kanyang pagharap sa Diyos. Ayon kay Mateo, labis siyang nagsisisi sa kanyang mga nagawa at bago man lang siya malagutan ay maibunyag niya sa bayan ang lahat ng mga kasalanang diumanoy ipinagawa sa kanya ni Lacson. Ipinapatay din daw ni Lacson ang isang Luisito Villacorta na siyota ng isang magandang modelong natipuhan niya nang mapanood sa isang fashion show sa Hyatt Hotel.
Nang isulat ng kolumnistang si Mon Tulfo na ang asawa ni Lacson na si Alice ay inagaw lang niya sa iba, akala koy bunga lang ito ng personal na galit sa kaibigang nakatampuhan. Ngunit itoy kinumpirma ng naghihingalong si Mateo. Aniya, nakilala ni Lacson ang misis nang dumalaw ito sa dating asawa ni Alice na si Reginald na nakapiit sa New Bilibid Prisons. Nang makalaya ang bilanggo, pinasagasaan diumano ng 10-wheeler truck ni Lacson upang maangkin si Alice. Ang mga pagbubunyag na itoy napakalaking dagok sa ambisyon ni Lacson na maging Pangulo ng bansa hanggat marami ang kumbinsido na siyay isang "berdugo" gaya nang inihayag ni Mateo. Puwede bang magsinungaling ang isang taong mamamatay na?