Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, "Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?" Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kayat sinabi niya, "Dahil ba ritoy tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung Makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin." Sapagkat alam ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.
Idinugtong pa niya, "Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama."
Mula nooy marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kayat tinanong ni Jesus ang Labindalawa, "Ibig din ba ninyong umalis?" Sumagot si Simon Pedro. "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayoy nakatitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos." Sumagot si Jesus, "Hindi ba hinirang ko kayong Labindalawa? Sa kabila nooy diyablo ang isa sa inyo!" Ang tinutukoy niyay si Judas na anak ni Simon Iscariote.
Ang pananalig ni Pedro ang siya nating nais na tularan. Nais nating sabihin kay Jesus: Kanino kami pupunta? Ikaw ang Salita ng walang-hanggang buhay. Hindi natin kailanman tatalikuran si Jesus. At hindi tayo kailanman tatalikuran ni Jesus.