Ngunit napansin kong nasa looban pala ng isang liblib na lugar ang lupang pinamana sa akin. May mga ibang lupang nasa pagitan ng lupa namin at ng daan. Si Mang Teroy ang may-ari ng mga lupaing yon, na isa sa mga kababata ng Tatay ko. Dahil dito hindi ko maipasok ang sasakyan ko sa lupa namin nang hindi humihingi ng permiso sa may-aring si Mang Teroy.
Ano ang aking gagawin para magkaroon ng daan mula sa lupa namin papunta sa pangunahing daan? Sino ang dapat sumagot sa pagpapagawa ng daang ito? Sebastian Bunyi, Pangasinan
Sa ilalim ng Article 649 ng New Civil Code, binibigyan ng karapatan ng Dominant Estate ang iyong lupa na magkaroon ng Right of Way patungo sa daan laban sa Servient Estate o sa lupa ni Mang Teroy sa ilalim ng ilang kondisyon. The owner of the Dominant Estate must establish: 1) that the Dominant Estate is surrounded by other immovable and has no adequate outlet to the public way; 2) after payment of the proper indemnity; 3) the right of way claimed is at the point least prejudicial to the Servient Estate, and in so far as consistent with this rule, where the distance from the Dominant Estate to the public highway may be the shortest.
Generally, hindi po maaring tumanggi si Mang Teroy na bigyan kayo ng Right of Way dahil ayon sa batas, ito ay compulsory at ito ay karapatan na ibinibigay ng batas sa Dominant Estate laban sa Servient Estate.
Ayon sa Articles 650 and 651 of the New Civil Code ang Right of Way ng lupa nyo ay dapat ipatupad ng magdudulot ito ng pinakamaliit na perwisyo o sira sa lupa ni Mang Teroy. At ang sukat ng Right of Way ay yung sapat lamang para sa pangangailangan ng lupa nyo. Halimbawa: Ang lapad ng lupa na kukunin mula sa lupa ni Mang Teroy ay iyong sapat lamang para makadaan ang sasakyan mo.
Ikaw ang dapat sumagot sa mga gastusin sa pagpapagawa at maintenance daan na sanhi ng pagkakaroon mo ng Right of Way, including the payment of the proportionate share in the taxes.