Sa may Parkingson's disease:Kumain ng prutas at gulay

ANG Parkingson’s disease ay isang neurologic disorder at wala itong lunas o paggaling. Ang sintomas ay paiba-iba at hindi lahat ng apektado ng sakit na ito ay severely disabled. Mahalaga ang papel ng mga tamang pagkain sa isang may Parkingson’s disease upang mapanatili ang kanilang maayos na kalusugan. Sa may Parkingson’s disease nararapat kumain nang maraming gulay, prutas, whole grain. Nararapat na katamtaman lamang ang amount ng protein at bawasan ang pagkain ng may saturated fats at sugar.

Ang isang may Parkingson’s disease ay nararapat kumain ng mga pagkaing may fiber upang maiwasan ang constipation. Ang constipation ang isa sa mga problema ng taong may Parkingson’s disease. Marami ang nag-aakala na ang pagkain ng bran ay nakatutulong para hindi magka-constipation ito ay mali sapagkat mai-impair lamang ang absorption ng katawan sa ibang minerals. Bagamat ang bran ay pagkaing may fiber hindi ito inirerekomenda lalo pa at hindi ito nagtataglay ng nutrients na kailangan ng katawan. Mas maraming fiber ang makukuha sa mga prutas, gulay at iba pang mabeberdeng pagkain. Nakatutulong ang mga pagkaing ito para mapabilis ang sistema ng katawan. Ang pinya at ang prutas na fig ay mahusay sa isang may Parkingson’s disease sapagkat ang mga ito ay may natural laxative effect.

Plenty of time should always be allowed for meals. Patients with Parkingson’s disease often loss weight, which may be due to reduced energy intake because of the difficulty in eating. Excess weight however can make the symptoms worse because it places a further restriction on already limited movement.
* * *
Kung kayo ay may mga katanungan kay Dr. Elicaño, sumulat lamang sa Pilipino Star NGAYON, Roberto Oca cor. Railroad St. Port Area, Manila.

Show comments