Ang ganitong problema ay isa sa mga paksang tinalakay sa isang press briefing na dinaluhan ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Bro. Rolando Dizon. Ayon kay Dizon, siyam sa 10 high school students ay walang kakayahang makapasok sa kolehiyo. Siyamnapung porsiyento ng high schools sa public at private ay kulang na kulang sa kaalaman. Academically-equipped para mag-enroll sa college. Sinisi ni Dizon ang loose grading system partikular sa public schools. Aniya mali ang transmutation table na nagtatakda sa 15 percent passing grade. Ipinapayo ni Dizon na dagdagan ng dalawa pang taon ang basic education, mula sa 10 taon ay gawing 12.
Tama ang sinabi ng CHED Chairman na maraming high school students ang academically equipped para mag-enrol sa college. Marami ang pumapasa subalit walang alam. Sa aming paniwala, nasa mga teacher ang pagkukulang dito. Maraming eskuwelahan ngayon, ma-public o ma-private na walang kakayahang magturo sa kanilang estudyante. Maraming schools na basta na lamang tumatanggap ng teachers na hindi muna sinusubok ang kakayahan. Ang Department of Education (DepED) ay nararapat na maging mahigpit sa pagbibigay ng pahintulot sa mga itatayong eskuwelahan. Sa mga pribado, mas tinitingnan nila ang kikitain kaysa isusubong kaalaman sa mga estudyante.
Maraming mahuhusay na guro lalo na sa English, Science at Math subalit dahil sa maliit na sahod ng ibinibigay sa kanila, mas gusto pang magpaalila sa Hong Kong, Italy, Saudi at iba pang bansa. Maski hindi na madagdagan ng dalawang taon ang academic year, mag-hire na lamang ng mahuhusay na guro, lakihan ang suweldo at may maayos na school, tiyak na maraming ipo-produce na estudyante na magbibigay-kinang sa Pilipinas sa hinaharap.