May mga loose talks (tsismis) na naglabasan na nagbabalak na mag-coup detat ang ilan sa mga kongresista laban kay De Venecia sa paniniwalang hindi nito nilalakad ang pagre-release ng kanilang pork barrel.
Ayon na rin kay DBM Secretary Emilia Boncodin sa aking panayam sa programang Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO sa DZME, marami na ang mga nainip na mambabatas sa pag-aakalang pinabayaan na sila ng DBM.
Dagdag pa ni Boncodin, Ang pagre-release ng pondo ng DBM ay ayon sa programa at cash efficient ng national treasury. Kinatwiran ni Boncodin, Ayaw namin manghiram ng manghiram.
Yun daw mga dating maluluhong government corporations ay nag-slow down na rin. Sinadyang naghigpit ng sinturon ang DBM nang sa gayon ay magkaroon ng domino effect sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Tingnan natin kung mapipilitang sumunod yung mga makakapal ang mukha na ang alam ay mag-waldas ng kaban ng bayan. Hindi pa kasama ang kanilang pangungurakot. Tsk-tsk-tsk!
May problema na nga ang imahe ng Philippine National Police, lalo pang madadagdagan hanggat nandiyan ang Task Force JERICHO.