Pag-asa sa pangarap

ANO man ang mangyari panalo na ang grupong Magdalo. Hindi na naaksaya ang sakripisyong kanilang ginawa, bagama’t lubos tayong naniniwala na mali ang paraang kanilang ginamit. Naisakatuparan na nila ang kanilang layunin na matawag ang pansin ng sambayanang Pilipino.

Lubusan nang pinag-uusapan ang katiwalian sa Hukbong Sandatahan ng mga tiwaling heneral at opisyal sa Department of National Defense sa pamumuno ni Sec. Angelo Reyes.

Dahil din sa kanilang pag-aaklas, kabulukan ng administrasyon ni Señorita Gloria hindi lang sa military, kundi sa pangkalahatan ay pinag-uusapan ng taumbayan.  Mula sa pahayagan, radyo at telebisyon ay sila pa rin ang pinag-uusapan.  Ganoon din sa internet at text messaging, pati nga mga joke na naglalabasan ay tungkol din sa paglaban ng mga batang opisyal.

Nabuhayan tayong muli, may pag-asa pa na maatim ang ating pangarap.

Tayo nga ay dinagsa ng mga e-mail at text messages, ‘yung iba galing pa ng ibang bansa. Ibabahagi natin ang iba kaya pakiusap sa susunod, iklian lang para marami ang mapagbigyan.

Garapalan n gnagwa nila pagtannim ng ebedensya, lahat malapit kay Erap kung totoo dapat bago nangyari ang kudetta naraid n sna nila. D wla palang kwenta ang isap kung ganon. Bagito lang naisahan cla –09183464867;  Mr. Kua nagta2ka lng ako kng bkit ang lhat ng dyaryo ngayn 22k na 22k sa issue ng kudeta at mga issue sa shabu bka nkalimutan na ang pera na maku2ha ntin sa swis bnk pakisilip lang po ksi bka gnagapang na ng mga aso. Suhestyon ko lang ibyad ng lahat yan sa pgka2utang ng byan. Para 2maas ang value ng pera ntin.  Sge hangang dto nlang mabuhay ka! Sama2 nting 2longan ang bayan sa pagunlad. –09189380130;

KPIT TUKO S PWESTO CNA REYES AT EBDNE DPT CBKIN. –09185557710; Sir isa po akong sundalo at kasalukuyan nasa serbisyo pa at ang kasalukuyan kung ranggo ay Master Sergeant, 23 yrs na service 220 po na maraming nangyayari dito s loob. Paano mababangkrap ang Retirement Separation and Benefit System gayong libu-libong miyembro ng sundalo sa AFP ang may contributions n kht katiting n dibidendo ay walang tinatanggap kami diyan at kapag nagretiro ang isang sundalo, kung magkano ang naihulog mo sa panahon ng iyong panunungkulan ay iyon lamang ang tatanggapin niya gayong ito ay para sa retirement nakalaan at kung natatandaan ninyo minsan humingi ng tulong si Sec. Reyes sa DBM sa palagay niyo Sir, saan napunta ang pera namin at kahit minsan di nakakapagloan ang mga katulad namin kundi yon lamang may mga estrella sa balikat ang authorized diyan sa RSBS n iyan. Maraming salamat po. More power to you. –2371000083091;

Gd day po s nu Mr. Kua nbsa k po kolum nyo dtd 31 July 03, nnniwala me s alegasyon ng Magdalo grp s govt dhil nrnsan k din p ang nrrmdman nla dhl ako ay dti mltr. –09169914182; Isama nrin c Sec Joey Lina s mga dpat cbakin. –09162814167; Dpat bgo nla ibalita na nahuli na c Alghozi tatlong araw lang daw mahuhuli na bkit hndi pa rin nila nahuhuli hangang ngayon poro lang cla salita. Tanong lang po. –09202928904; Gud p.m. dapat talaga tanggalin at kasuhan ang dalawang demonyo, kawatan na opisyal! Reyes, Ebdane. –Ricky of Taguig, 09166696488;

Isa po akng mrs ng marine na asayn s Mndnao, 17 yrs n po sya ndstino don. May hardship fee cla pero until nw di pa rn bnibgay! Tama c Lt Trillanes, kwn2 rn ng mr. ko! –09202579059; LAM MO MR. KUA OK MGA BANNAT MO DI KA SUNUD SUNURAN SA IBA GANYAN NGA PRE PURIHIN ANG DAPAT PURIHIN BIRAHIN ANG DAPAT BIIRAHIN, WAG SIPSIP SA ADMINISTRATION. –WILLY NG PASIG, 09206301048; Mabuti pa cguro. Itinuloy nalang kudta para mapatay mga taong corrupt kawawa mga pnatay ng abu sayaf giera na lang. Mabuti pa taga mindanaw. ALAM NYO PO GINOO ANG REACTION KO TUNGKOL SA NANGYARI S MAKATI TAMA LANG ANG GNAWA NG MAGDALO GROUP PABOR AKO S KANILA PARA MATIGIL NA ANG KALOKOHAN GNAGAWA D2. –09165827239;

Mr Nixon dpat na tlgang cbakin c Reyes kc wala nmang alam na mganda sa dept nya. Kung noon pa cnabi ng mga victims ng abu na may sabwtan ang military at abu bkit ho kya winalang bhala yon ng gobyrno ntin? Bk nman mrming naghahati sa commission kaya ganun, bkit di alisin ni Gloria yang c Ryes? Dpat ba proteksyonan? Bakit? –09173462020; Tama rin na patalsikin si Ebdani dahil sa palpak na serbsyo nya. Di mkatakas si Al Ghozi kng di sa patulog-tulog na tauhan nya at panagutin. –09197210653;

LINA NO CREDIBILITY. KASAMA KO TAMA S JUETENG PERO LINA D PA RESIGN. NO PALABRA DE HONOR –09204420633; MTAGAL NG API ANG AFP. SUPPLY N SALARY TALO S PNP. –ELY ng LAGUNA, 09166861541; Sn po s ibng manu2lat sn gyhin ntin ang Magdalo huwag kyo magbulag-bulagan sbihin nyo ang 220ng ngya2ri s byan. –09183532502; Ano ba ang nangyayari dyan sa Pilipinas. hindi pa natapos ang kaso ni Al-Ghozi na hindi makita-kita. Eto na naman ang coup de’tat. Nakakahiya ang mga taong ito. God bless na lang. –NETSTQUITON@aol.com
* * *
Para sa ano mang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua@yahoo.com o kaya’y magtext o  tumawag sa  0927-2654341. Mapapakinggan  n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

Show comments