Iyan ang hindi natatanto ng mga batang sundalo. Gusto nila ng reporma, okay iyan. Pero sa diskarteng ginagawa nilay taumbayan ang pinahihirapan.
Nagsagawa ng security briefing si DTI Secretary Mar Roxas sa mga negosyanteng dayuhan upang tiyakin na ang nangyaring mutiny ay kontrolado ng pamahalaan at walang masamang epekto sa pamumuhunan.
Mga kilalang lokal na negosyante ang nagsidalo sa briefing tulad nina Ricardo Romulo at Guillermo Luz ng Makati Business Club, Vivien Yuchengco ng Philippine Stock Exchange, Sergio Ortiz -Luis ng PhilExport, Donald Dee ng Employers Confederation of the Philippines at mga kinatawan ng negosyo mula sa USA, Australia, New Zealand, Canada, Japan at Korea.
Buti na lang at kumbinsido ang mga negosyante na ang sitwasyon sa Pilipinas ay under control at walang masamang epekto dahil itoy madaling nalutas nang walang dumanak na dugo.
Ang problemay nananatiling nakataas ang state of rebellion. Ibig sabihiy naririyan pa rin at kukuyakuyakoy ang panganib na baka magkaroon ng part 2 ang kudeta. Sanay huwag na. Iyan ang taimtim nating ipanalangin.
Sanay matauhan ang mga kabataang opisyal na militar. Hindi matatamo ang repormang hangad nila sa pamamagitan ng dahas. Bagkus, lalo lamang nilang palulubhain ang masama nang kalagayan ng bansa.