Doon ay puwersahang binuksan ang bag ni Mai Li at nakuha ang limang plastic na mga pakete na naglalaman ng puting sangkap na tila shabu na may bigat na 5.5 kilograms. Isa sa mga pakete na may timbang na 1.1 kg ay sinuri sa pamamagitan ng "field tests", ng dalawang ahente ng Customs. Ayon sa resulta, ang laman ng pakete ay shabu.
Kaya nakasuhan at nahatulan si Mai Li sa paglabag sa Republic Act 6425 Sec. 14, ng habambuhay na pagkabilanggo. Umapila si Mai Li at iginiit na di kumpleto ang ginawang pagsusuri sa limang paketeng nakuha sa kanya. Dapat daw ay sinuri ang lahat na sangkap sa pamamagitan ng laboratory tests at hindi lamang ng field tests, kung saan ang parusang ipapataw sa kanya ay naka-depende sa dami ng ipinagbabawal na gamot na nakuha sa kanya. Tama ba si Mai Li?
MALI. Sapat na ang sample na sangkap na nakuha mula kay Mai Li dahil ipinapalagay na ito ang sangkap ng lahat ng pakete, maliban na lamang kung may pagsalungat dito si Mai Li. Walang batas na nag-uutos na kinakailangang ang lahat ng sangkap ay susuriin. Dagdag pa rito, ang pagsusuring ito ay isang standard procedure sa PNP Crime Laboratory.
Hindi rin mahalagang elemento ang pagtukoy ng isang chemist na ang sangkap ay isang ipinagbabawal na gamot. Sapat na pagkilala rito bilang ipinagbabawal na gamot at ng testimonya ng isang saksi (Pp vs. Che Chun Ting 328 SCRA 592, Pp. vs. Tang Wai Lan July 23, 1997 and Pp vs. Bandin Sept. 10, 1993).