Ang Stockholm Syndrome ay isang mental at emotional state, kalimitay panandalian lang, kung saan sumusimpatya na ang inapi sa nang-aapi. Isang-daang taon bago maganap ang terrorist kidnapping at rescue sa Stockholm, nagwala ang mga aliping Negro nang palayain sila ng mga among Puti sa Alabama matapos ang American Civil War. Sino na raw ang magpapakain sa kanila? Minasaker nila ang mga amo. Isang uri din yon ng Stockholm Syndrome.
Lumilitaw ang syndrome araw-araw sa mga kalsada ng Maynila. Galit ang pasahero sa bus kung mandarayat madungis ang konduktor, o barumbadot kaskasero ang driver. Pero kung itoy sitahin ng pulis, galit din ang pasahero. Maraming pagkakataon nang kumampi ang pasahero sa hinuling driver na overspeeding o konduktor na hindi naka-uniporme. Hindi maarok kung bakit. Awa kaya ang naramdaman ni pasahero, dahil isang kahig-isang tuka lang ang driver na minumultahan? Pero ibiningit-buhay siya ng reckless driver, at kaya nga ito kinumpiskahan ng lisensiya ay para magtanda. Simpleng muhi lang kaya sa awtoridad si pasahero, kaya kinampihan agad ang manlolokong konduktor nang pababain ng traffic enforcer. Pero naka-sandot sinelas lang kasi siya, kaya pinauwi at nilapatan ng disiplina.
Madalas, nakakalimutan ng biktima ang prosesot paraan ng batas. Sa Stockholm, unang naawa ang mga kinidnap nang gutumin ng pulis ang mga nangidnap. E parte yon ng psy-war para pahinain at pasukuin ang mga terorista. Sa Maynila, hinihigpitan ng awtoridad ang drivers at konduktor. Para yon maiwasan ang sakuna at bumuti ang serbisyo nila.