Isang taon bago pa man matapos ang kontrata, inilipat si Dem ng kanyang amo bilang crusher plant operator. Dahil dito, awtomatikong nagsimula muli ang kanyang kontrata.
Noong Marso 1983, habang nagtatrabaho si Dem bilang crusher plant operator, biglang nadurog ang kanyang kanang sakong ng makinang kanyang ginagamit. Umuwi siya sa Pilipinas kung saan dito ginawa ang operasyon. Makalipas ang apat na buwan ay bumalik siya sa Saudi upang ipagpatuloy ang trabaho. Noong 1984 ay awtomatikong nagsimula muli ang kontrata ng kanyang empleyo. Samantala ay nagpagamot muli siya ng kanyang sakong kung saan gumastos siya nang malaki.
Basehan ang kanyang kontrata ng empleyo, kinasuhan niya si Manuel upang bayaran siya nito ng kanyang mga nagastos. Tumanggi si Manuel dahil nang mangyari raw ang aksidente kay Dem, ang orihinal na kontrata ng empleyo nito na siyang inilakad niya ay natapos na. Dagdag pa rito ang pagwawakas ng kontrata ng kanyang ahensya at ng kompanya sa Saudi kung saan naka-empleyo si Dem. Tama ba si Manuel?
MALI. Nangyari ang aksidente ni Dem habang siya ay nagtatrabaho at empleyado ng kompanya base sa kontrata na awtomatikong nagsimula. At dahil naaksidente siya habang siya ay empleyado ng kompanya, may pananagutan pa rin si Manuel dahil "solidary liable " sila ng kompanya sa Saudi kay Dem.
Samantala, may habol pa rin si Dem kay Manuel kahit nagwakas na ang kontrata ng kompanya sa Saudi at ng ahensya ni Manuel dahil hindi naman nito inabisuhan si Dem.
Ang pananagutan nina Manuel at ng kompanya kay Dem ay magtatapos lamang kapag natapos na rin ang kontrata ng mga empleyado na kanilang ni-recruit tulad ni Dem (Catan vs. NLRC, 160 SCRA 691).