Ang pagbisita ni GMA sa Mindanao, Visayas at ibat ibang lugar sa Luzon ay tinitingnan bilang pangangampanya sa 2004. Binibigyan din ng kahulugan ang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng MILF at gobyerno. Ang sorpresang pagbisita ni GMA sa opisina ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng ginawa sa LTO at sa mga police stations ay pinagsususpetsahang bahagi ng pamumulitika ni GMA.
Pulitika rin diumano ang dahilan ni GMA sa pagtatalaga kina Sen. Robert Barbers, dating Mayor Fred Lim at mga dating tauhan nito na sina Capt. Rey Jaylo at Major Lucio Margallo sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Ang pinagkakalat naman ng kabilang kampo ay inuurong daw diumano ng Malacañang ang appointment nina Barbers at Lim sapagkat marami ang tumutol sa hakbang na ito.
Pati ang Supreme Court ay idinadamay sa pulitikahan. Walang puknat na paninira laban sa pagtatalaga ni GMA kay Dante Tinga bilang Supreme Court Justice. Hindi rin nakalampas na batikusin ang mga nakaraang appointees ni GMA sa Supreme Court.
Marami ang duda kay GMA, abay papalapit nang papalapit ang 2004 election. Abangan!