Extortion raps sa 2 MIAA officials

MAGANDA at kapuri-puri ang lodge constitution ng Datu Lapu-Lapu Lodge noong Sabado ng hapon na ginanap sa Lapu-Lapu City.

Si Most Worshipful Ricardo Galvez, Grand Master, ng Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, ang siyang panauhin pandangal at guest speaker ng nasabing okasyon.

Sina VW Johnson Lee, Deputy District Grand Master ng District ng 24 at VW Datu Pax S. Mangudadatu, Governor ng Sultan Kudarat, VW Maui Lazaro, at iba pang brethren na nagbigay kasiyahan sa nasabing pagtitipon.
* * *
Ang isyu: Four years ang naging hatol ni Pasay RTC Judge Zenaida Laguilles, sa dalawang top brass officials ng MIAA na sina Lilia Diaz at Rolando Hernandez.

Guilty sina Diaz at Hernandez sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees matapos silang ireklamo ni Albert San Gabriel, general manager ng Olongapo Maintenance Services Inc.

Hinihingian daw ng pitsa ang nasabing kompanya para maging pabor ang technical report ng performance of work nila.

Pero nang hindi ito nagbigay ng atik, nilaglag ang kompanya at hindi ito binigyan ng kontrata sa airport.

Upang maayos ang gusot, nanghingi si Diaz ng karagdagang pitsa para baligtarin ang performance report na naging pangit sa kompanya.

Nang hindi tumalima ang may-ari ng janitorial services, hindi na ni-renew ang kontrata nila.

‘‘Matindi rin pala ang dalawang opisyal na ito, magkaiba pa ng presyong hinihingi,’’ sabi ng kuwagong hitad sa kabaret.

‘‘Buti na lang hindi umurong ang nagdemanda,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Tama lang ’yong naging desisyon ng husgado para mabawasan ang mga katiwalian sa gobyerno,’’ sabat ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Sa nangyaring ito, tiyak marami pang haharaping kaso si Diaz.’’

‘‘Honorable Ombudsman Simeon Marcelo, game ka na ba kay Diaz?’’

‘‘Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sandamakmak ang kaso niya sa office mo.’’

‘‘Suspindehin kaya ni Manda si Diaz?’’

‘‘Palagay ko iyan ang aabangan natin, Kamote, kasi may apila pa ito.

Hanggang sa Supreme Court pa ang usaping ito.’’

‘‘Ika nga, may due process ang batas sa Pilipinas.’’

‘‘Hindi ba butas ang batas?’’

‘‘Iyan ang hihintayin natin, lagapot.’’

Show comments