Alam nyo ba na sa murang gulang ng may 2,000 estudyante ng Pasay City South High School, natututo silang magsinop at mag-impok? Bawat isay naghuhulog ng P5 kada linggo na sa loob lamang ng tatlong buwan ay aabot ng P84 libo (collectively of course), at may tubong 7 porsyento kada taon.
Ang maganda sa konseptoy pag-aari ito ng komunidad, kasama ang mga mararalitang pamilya at mga mag-aaral. Cooperativism ika nga. Hindi tulad ng ibang institusyong pinansyal na pawang mga mayayaman at impluwensyal na tao ang may kontrol at pakinabang dito. Ditoy kayang patunayan na kayang tulungan ng mga mahihirap ang kanilang sarili kung magbabalikatan at magtutulungan.
Kaya nga si Presidente Gloria Arroyo mismo ang naggawad ng "Galing Pook 2002 Award sa Bayanihan banking program na ito dahil matatawag na kakaiba at nakatutulong mai-angat ang antas ng kabuhayan ng mga mahirap. Maging si dating Presidente Cory Aquino ay impressed sa konseptong ito nang minsang dumalaw sa lungsod.
Sanay tularan ang ganitong programa sa ibang dako ng bansa. Sa halip na magbibigay ka ng minsanang dole-out sa maralita na minsan lang magagamit, itoy isang pangmatagalang tulong para matuto ang maralita na i-angat ang sariling kabuhayan.
Sabi nga ng matandang kasabihan ng mga Tsino: "bigyan mo ng isda ang isang mahirap at minsan lang siya kakain. Turuan mo siyang mangisda at hindi na siya magugutom kailanman."