Ako ay Pag-IBIG member at nais magkaroon ng sariling bahay. Ang problema, hinihingan ako ng pang-down ng mga developers sa mga nagugustuhan kong mga bahay. Maliit lamang po ang aking kita at hindi ko po kayang magbayad ng malaking halaga para sa equity ng bahay. Sa katunayan po ay uutang nga po sana ako ng housing loan mula sa Pag-IBIG.
Nababasa ko ang kolum nyo tungkol sa Rent-to-Own Program. Sana po ay maliwanagan niyo ako tungkol sa programang ito. Aabangan ko ang inyong kasagutan. Maraming salamat at mabuhay kayo at ang buong staff ng PSN. Maybel A.
Ang Pag-IBIG Fund ay may Rent-to-Own (RTO) Program na naglalayong matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga miyembro na may mababang sahod. Sa programang ito, pauupahan ng Pag-IBIG ang mga bahay na pag-aari nito sa loob ng limang taon. Sa loob ng limang taon, maaaring bilhin ng nangungupahan ang bahay sa pamamagitan ng pagkuha ng housing loans sa Pag-IBIG. Kung hindi kinakailangang lisanin nito ang bahay.
Ang programang ito ay bukas sa lahat miyembro ka man o hindi ng Pag-IBIG Fund. Kung ang mag-aaply ay hindi pa miyembro, kailangang magparehistro ito sa Pag-IBIG kung naaprubahan na ang aplikasyon para sa RTO. Kinakailangan lamang ang mga sumusunod na katangian upang maging kuwalipikado ka sa RTO miyembro ng Pag-IBIG sa panahon ng pag-aaply sa RTO, may buwanang kita ang pamilya na hindi bababa sa P4,000, hindi nag-mamay-ari ng bahay, walang outstanding loan sa anumang ahensiya pribado man o gobyerno, may kapasidad na pumasok sa legal na kasunduan o kontrata at hindi pa nakakakuha ng bahay sa ilalim ng RTO ng Pag-IBIG.
Para sa karagdagang impormasyon maaari kayong tumawag sa 631-21-41/634-83-44. Maraming salamat po.