Wala raw sa katinuan ang ina nang gawin ang last will

Nang mamatay ang aming ama tila nawalan na ng gana pang mabuhay si Mama dahil sa labis na kalungkutan. Nabahala kami ng kapatid kong si Joe dahil nakikita namin ang unti-unting paghina ng kanyang kalusugan.

Isang araw, gumawa si Mama ng last will and testament. Makalipas ang isang linggo ay namatay din siya. Nalaman po namin sa kanyang last will and testament na hinati niya sa aming dalawa ang kanyang ari-arian ngunit may dagdag pang P500,000 para sa akin na nagmula sa free portion ng kanyang estate. Ayon sa testamento ni Mama, ang dagdag na pamana sa akin ay pasasalamat sa matiyaga kong pag-aalaga sa kanya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Hindi po nagustuhan ni Joe ang laman ng last will and testament ni Mama kaya kinuwestiyon niya ito sa Korte. Aniya, wala na sa katinuhan si Mama nang gawin ang last will and testament. Matanda na raw at mabagal mag-isip kaya’t hindi nito namalayan na hindi pantay ang pagkakahati ng kanyang ari-arian.

Tama po ba ang aking kapatid tungkol dito?


– John Bustamante, Bulacan

Hindi tama ang iyong kapatid. Dalawa ang requisites para makagawa ng will ang isang tao: Una, na siya ay at least eighteen years of age at pangalawa, that he is of sound mind.

Gayunpaman, ang katandaan ay hindi sapat na ebidensiya na hindi na of sound mind ang inyong ina nang gawin niya ang kayang last will and testament. Maaaring matanda na ang isang tao o mabagal mag-isip ngunit naiintindihan pa rin niya kung ano ang nakalagay sa kanyang last will. As stated in Article 799 of the New Civil Code, it is sufficient that the testator was able at the time of making the will to know the nature of the estate to be disposed of, the proper objects of her bounty and the character of her testamentary act.

Sa sitwasyong ito, may karapatan ang inyong ina na magbigay sa ‘yo ng dagdag na mamanahin dahil nanggaling naman ito sa free portion ng kanyang estate.

Show comments