Travel Special: Aklan

ANG world famous Boracay na tinaguriang Paradise Island of the Philippines ay nasa Aklan, ang pinakamatandang lalawigan sa Pilipinas.

Ang Aklan ay itinatag noong 1213 ng mga taga-Borneo. Ito’y nasa gitna ng Sulu Sea, Sibuyan Sea at mga lalawigan ng Antique at Capiz.

Bukod sa Boracay ang ilan pang paboritong tourist attractions ng Aklan ay ang mga sumusunod: Freedom Shrine na bantayog ng 19 martir na lumaban sa mga Kastila; ang Kalantiao Shrine sa Batan na parangal kay Rajah Kalantiao na gumawa ng makasaysayang Code of Kalantiao; Agtawagon Hill na nagsilbing kampo ng mga Pilipinong gerilya laban sa mga Hapones noong World War 2; Museo It Akean sa Kalibo na kinalalagyan ng mga antigong yamang-pangkultura ng Aklan; Tinagong Dagat na mas kilala bilang ‘‘Hidden Sea’’ na tinatabingan ng dalawang pulo sa Batan Bay; Tigayon Hill sa Kalibo na ang kuweba na likha ng iba’t ibang mineral sa batuhan na may iba’t ibang hugis; ang Ignito Cave sa Bgy. Tigum, Buruanga na tinatawag na Elephant Cave dahil sa korteng elepante ito; Liloan Citrus Farm na hitik sa mga bungang-kahoy at magagandang bulaklak at ang Tulingan Cave sa Nabas na sinasabi na isa sa pinakamahabang kuweba sa Pilipinas.

Show comments