Sa 100, 57 ay Asyano, 21 ay Uropeyo, 14 ay taga North at South America, at 8 ay taga Africa. Pitumpu sa kanila ay kayumanggi o itim; 30 lang ang puti.
Tatlumpu lang ang Kristiyano; 70 ay may ibang relihiyon. Isa ay malapit nang mamatay, at isa ay malapit nang isilang.
Limamput dalawa sa kanila ay babae; 48 ang lalaki. Walumput-siyam ay heterosexual; 11 ay homosexual.
Anim lang sa 100 ang magmamay-ari ng 59% ng yaman ng mundo, at lahat sila ay taga-Estados Unidos. Walumpu ay nakatira sa barung-barong. Limampu ay malnourished. Pitumpu ay hindi marunong bumasa o sumulat. Isa lang ang nakatuntong ng kolehiyo. Isa lang din ang may computer.
Ang saklap, ano? Pero ito naman ay pampataba ng puso:
Kung nagising kang masigla ngayong umaga, lamang ka na sa mahigit isang milyong tao na mamamatay sa linggong ito.
Kung hindi ka pa nakaranas ng giyera, o magutom, o makulong at ma-torture, suwerte ka kumpara sa 500 milyong kawawa sa mundo.
Kung malaya kang nakakasamba, at walang takot na ma-harass, maaresto, ma-torture o patayin dahil sa paniniwala, di mo katulad ang tatlong bilyong nilalang.
Kung meron kang pagkain sa refrigerator, damit sa iyong likod, bubong sa iyong ulo, at papag na matutulugan, mas mayaman ka kaysa 75% ng mundo. Kung may pera ka sa banko o sa wallet, kabilang ka sa 8% mayayaman.
Kung ang magulang mo ay parehong buhay at nagsasama, bihira ka sa buong mundo.
Kung binabasa mo ito ngayon, daan-daang libo kayo.