Si Nadura ay nabulaga ng mga tauhan ni Querol sa tinataguan niyang bahay sa 421 Agham Road, San Roque 2 Pag-asa, Quezon City noong Mayo 21. Kusa naman siyang sumuko matapos ipakita sa kanya ni Inspector Erwin Margarejo ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Theresa dela Torre-Yadao noong Enero 2002. Natapos na rin ang paghihirap ng pamilya ng biktima, di ba mga suki?
May puna lang tayo mga suki kung bakit itong si Querol ay nandoon sa puwestong tawagin natin ay kangkungan. Sayang ang kanyang abilidad at kagalingan kung hindi man lamang bigyan pansin ng pulisya natin sa pamumuno ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Dapat maipuwesto itong si Querol para magpakita ng kanyang lubos na kakayahan para magsilbing ehemplo nga sa iba pang opisyales ng pulisya natin at presto yumabong pa ang kagaya niya sa PNP natin? Sino pa ba ang makinabang kung si Querol ay mapaupo sa magandang puwesto tulad ng probinsiya ng Quezon eh di ang sambayanan, di ba mga suki? He-he-he! Minsan lang kasi tayo pumuri sa ating mga pulis kayat baka masobrahan tayo.
Pero sa totoo lang, maganda naman ang records at accomplishments nitong si Querol. Unang nasilayan ko itong si Querol noong public information officer (PIO) pa lang siya ng Western Police District (WPD) noong kapanahunan ni Ebdane nga. Matapos maging hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) itong si Ebdane, si Querol naman ay naging station commander ng Fairview at Cubao sa Quezon City. Naging hepe rin siya ng District Police Intelligence Unit (DPIU) ng CPD sa ilalim ng liderato ni Chief Supt. Mon Sales na hepe sa ngayon ng Police Regional Office 2 (PRO2), hepe ng intelligence ng NCRPO at hepe ng pulisya ng Marikina City. Kitam, ang daming pinanggalingan na nitong si Querol. Pero nag kainaman niyan marami siyang accomplishments na ipinakita at mas malaki pa sa kaso ni Nadura. Huwag na nating isa-isahin pa ang mga ipinakita ni Querol at baka abutin tayo ng isang linggo. He-he-he! Sobra ang dami kasi, di ba mga suki?