Ang Community Mortgage Program

Dear Sec. Mike Defensor,

Isa akong maralitang taga-lungsod na nakatira sa lupang hindi namin pag-aari. Nakatira kami rito mula pa noong pinanganak ako.

Nabalitaan ko na maari maging amin ang lupang kinatitirikan ng aming bahay sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP)? Ano ba ang CMP? Paano ang proseso nito?

Maraming salamat po. – Aida ng Quezon City


Ang community Mortgage Program o CMP ay isang programang pabahay ng ating pamahalaan na nakalaan sa ating mga maralitang taga-lungsod o informal settlers. Ang programang ito ay pinamamahalaan ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC). Kinakailangan lamang na rehistrado ang inyong samahan o asosasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang pondong mauutang sa CMP ay maaari ninyong gamitin na pambili ng lupang kinatitirikan ng inyong bahay o pagbili ng relocation site na maari ninyong malipatan.

Ang bawat benepisaryo ay maaaring makahiram ng hanggang P100,000 kung ang lupa ay nasa Kamaynilaan o hanggang P85,000 kung nasa probinsiya naman. Magbabayad ng buwanang amortisasyon hanggang 25 taon sa halagang anim na porsiyento lamang bawat taon. Ang kasunduang ito ay isasailalim sa Lease Purchase Agreement.

Show comments