May babae si Mister

Sa loob ng limang taon naming pagsasama ni Mike ay naging masaya kami lalo na nang mabiyayaan kami ng anak. Naging masuwerte rin si Mike sa trabaho.

Pero napansin ko ang unti-unting pagbabago ni Mike. Madalas ay hindi namin siya kasama sa hapunan dahil lagi siyang late umuwi. Hindi na siya masyadong malambing gaya noong araw. Parati raw siyang pagod sa trabaho.

Isang araw ay may nag-miss call sa cellphone ng mister ko habang naliligo siya. Tinawagan ko ang numero. Kinabahan ako ng babae ang sumagot. Bigla kong naisip na baka may ibang babae si Mike kaya humingi ako ng tulong sa isang detective para manmanan ang kanyang kilos. Pagkaraan ng ilang linggo ay ibinigay ng detective sa akin ang ilang mga larawan na nagpapakitang si Mike at ang kanyang babae ay pumasok sa isang motel.

Sapat bang ebidensiya ang mga larawan na magkasama sina Mike at ang kanyang kalaguyo papasok sa motel para kasuhan ko siya ng concubinage? – Melanie Pascual, Valenzuela City


Hindi sapat ang ebidensyang hawak mo para kasuhan si Mike ng concubinage. Kahit may naganap na sexual intercourse, hindi ito under scandalous circumstances. Because there was a need to employ a private detective to spy on your husband, the sexual intercourse is not scandalous. In fact, your husband and his lover are hiding the same from the public so it cannot be considered as scandalous. Scandalous circumstances consist of a reprehensible act or deed that offends public conscience and gives occasion to the neighbor’s damage or ruin.

Ang male spouse ay puwedeng maparusahan ng prision correctional in its minimum (6 months and 1 day to 2 years and 4 months) to medium period (2 years and 4 months and 1 day to 4 years and 2 months) kung siya ay mapatunayang nagkasala sa kasong concubinage. Ang penalty para sa concubine ay destierro kung saan hindi siya papayagang pumasok sa mga lugar na isinasaad sa kanilang sentensiya.

Show comments