Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Miguel Zubiri, Fernando Dan ng Sarimanok; Nelson Espinosa, Georgit Oki Moto, Mae Fajardo, Vince Christiansen Ramirez, Delfin Doria, Bros. Ed Granada, Tony Mendoza, Jimmy Gonzales, Raul Urgello at Bro. Col. Ting de Maala.
Ayon sa aking bubuwit, ang nagbansag sa mga Spice Boys ng bagong pangalan ay ang mga beteranong kongresista.
Dahil nawalan na diumano ng anghang ang mga Spice Boys, ang tawag sa kanila ngayon ay Juicy Fruit Boys.
Alam nyo ba kung bakit ito ang bansag ngayon sa kanila? Dahil ang mga hawak nilang mga committee ngayon ay pawang mga juicy.
May halong tampo at inggit ngayon ang nararamdaman ng mga beteranong kongresista sapagkat dinadaig pa sila ngayon ng mga bagitong Spice Boys.
At ang malungkot pa rito, mukhang nawala na ang idealism ng mga batang kongresista.
Kinain na rin sila ng bulok na sistemang gusto nilang baguhin kuno.
Totoo kayang nakapag-singit ng budget na P30 million ang isang Spice Boy sa kanyang pork barrel fund?
At ito ay ipinagpagawa diumano ng private air strip para maka-landing ang kanilang eroplano doon sa probinsiya nila.
Hanep!
Sabi nga ng ating matandang bubuwit na kongresista, masisiba umano ngayon ang mga Spice Boys.
"So young and yet so corrupt."
Naku, ang sama naman yatang example ngayon itong mga Spice Boys, Manong Speaker Joe.
Very juicy nga ba ang komiteng hawak ng mga Juicy Fruit Boys?