Isang mister sa Kamias, Quezon City ang nagrereklamo sa pulisya nang maabutan niya ang kanyang misis na nakikipagtalik sa ibang lalaki. Sinampahan niya ng adultery ang misis. Sabi naman ng misis wala na siyang nadaramang pagmamahal sa asawa. Labis siyang pinaliligaya ng kanyang kalaguyo.
Basta driver sweet lover. Ito ang may pagmamalaking sinabi ng isang misis sa Pasay na umamin na sawang-sawa na siyang makisama sa kanyang mister na lasenggo at durugista.
Sa Marikina bagamat pito na ang anak ay nagawa pa rin ni Paraluman na makipaglaro ng apoy sa isang machong kapitbahay. Nahuli sila sa akto ng asawang travelling salesman. Parang binagsakan ng langit at lupa si Mister at sa bugso ng panibugho ay pinagtataga ang magkalaguyo.
Isang ginang ang dinemanda ng adultery sa Caloocan City. Inamin niya na pinagtaksilan niya ang kanyang mister dahil malimit siya nitong binubugbog. Siya ang naghahanap-buhay samantalang batugan, lasenggo at sugarol ang kanyang mister kaya natukso siyang kumaliwa.