Ngayoy iniuurong na naman ng lekat ang kanyang naunang akusasyon kay Lacson. Sabiy ginamit lang daw siya ni First Gentlemen Mike Arroyo para i-demolish ang pagkatao ni Lacson. Paano mo pa paniniwalaan ang taong ( tao nga ba?) ito? Naging kontrobersyal at sumikat pa ang walanghiya. Ang gusto ko lang sa character na ito, kahit dispalinghado ang Inggles, he delivers with confidence and semblance of authority. Yung mali, napalilitaw niyang tama. Kaya madaling makapanloko ang hinayupak.
Mantakin mong napabalita na pati mga opisyal ng gobyerno ay binentahan ng cellphone pero walang naideliver na commodity matapos siyang bayaran. Heto na naman siya ngayon at si Mike Arroyo ang gustong idiin. Sinong maniniwala sa iyo Mr. Mababa?
Sa mga kabulastugan mong iyan, lalo mo lamang pinabababa ang iyong pagkatao (ka nga ba?). Maitanong ko, magkamag-anak ba kayo ni Philip Medel?
Kung sino mang politiko ang gumagamit kay Mawanay, mag-isip-isip kayo. Humanap naman ng ibang may kredibilidad. O baka reversed psychology ang diskarte ninyo? Ah, ewan!
Dapat siguro ay may mag-introduce ng bill sa Kongreso na magpapataw ng parusa sa mga pabagu-bagong testimonya. Na kapag napatunayang nagbago ng deklarasyon ang testigo sa krimen kahit hindi tinakot o pinuwersa, dapat itong managot sa batas.
Sa kaso ni Mawanay, tingin koy gusto kong lagariin ang mahaba niyang baba eh. Lagyan lang ng hawakan ay puedeng beer mug.