Hindi ko makakalimutan ang pagdalaw ng isang senador sa nayon. Sunud-sunod ang kanyang papuri sa isang manok. Hindi niya napansin, inilagay na pala sa compartment ng kotse ang manok.
Ganoon din ang isang Amerikano ng pumunta sa nayon. Pinuri niya ang isang tuta. Dinampot at niyakap agad. Ibinigay ng may-ari ang tuta. Tuwang-tuwa ang Kano.
Sa nayon ay huwag gagamitin ang hintuturo na paitaas sa pagtawag sa sino man. Ginagamit lang kasi ito sa mga api at mababa ang kalagayan, o kaya ay sumutsot na lang ng mahinahon at tawagin sa pangalan o kayang palayaw.
Sa nayon ay huwag tatawagin ang sinuman na tanga. Away ang hahantungan nito. Huwag din ihahalintulad ang isang tao sa hayop. Lalo na sa baboy o unggoy.
Huwag kalilimutan magpaalam bago umalis sa isang bahay. Ikaw ay tinanggap na maayos kaya dapat kang umalis ng maayos.