Sa nayon din ay dapat iwasan ang pagwasto sa publiko ng pagkakamali ng isang tao. Huwag ipahihiya. Kung iwawasto ang tao, gawin kung dalawa lamang kayo at walang ibang nakikinig sa inyo.
Dapat din na pag-aralan ang ilang salita at kataga sa nayon. Ito ang pinakamadaling paraan para matanggap sa nayon at mapamahal sa kanila.
Huwag mangimi o matakot magkamali. Ito ang ituturing na malaking katatawanan at kasiyahan sa nayon.
Huwag magpapautang ng pera. Ang pagpapahiram ay kadalasang pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan. Kung kailangan ng pera para pambili ng gamot ibili mo ng gamot. Huwag ipautang dahil malamang hindi na mababayaran.
Huwag akalain na darating sa hustong oras ang kausap sa nayon, madalas ay hindi wasto sa usapan. Pero ipinamumulat ko sa mga taga-nayon ang kahalagahan ng pagdating ng tama sa oras. Ito ang dapat.