Paano ako magkakaroon ng lupa't bahay

Dear Sec. Mike Defensor,

Tagasubaybay ako ng Pilipino Star NGAYON at paborito kong basahin ang inyong column.

Ako ay karaniwang mamamayan na nanganga-rap na magkaroon ng sariling lupa at bahay balang araw.

Mayroon ba kayong programa sa katulad kong mahirap kaya lamang maghulog ng isa hanggang dalawang libong piso buwan-buwan? Ano ba ang rent-to-own program ng Pag-IBIG?

Maraming salamat. – JUN ng Pasig


Maaring matupad ang iyong pangarap na magkaroon ng sariling lupa at bahay sa murang halaga sa Rent-to-Own program ng Pag-IBIG.

Ang Pag-IBIG ay mayroong tinatag na ‘‘Rent-to-Own Program’’ na naglalayong mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling lupa at bahay ang ating mga kababayan. Ito ay sa pamamagitan ng pangungupa ng limang taon hanggang ipahayag ang interes na mabili ito. Ang mga ibinayad na upa ay masasama sa kabuuang hulog kung nagdesisyon kayong bilhin ito.

Sa kabuuang detalye, maaari kang pumunta sa seminar na ginaganap tuwing Sabado alas-otso ng umaga, sa ground floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag po muna kayo sa Tel. Blg. 8114075.

Maraming salamat at pagpalain ka ng Diyos.

Show comments