After 13 years, muli kaming bumalik ng aking asawa sa Cebu upang bisitahin ang bukid na aming nabili roon. Last year po kami umuwi sa Pilipinas para magbakasyon ng medyo matagal-tagal sana. Inakala kong wala na roon si Justiniano at ang kanyang pamilya ngunit nagkamali po ako. Kinausap ko po siya at sinabi sa kanyang kailangan na nilang umalis doon dahil kamiy magbabakasyon ng aking asawa.
Nagulat ako dahil ayaw niyang umalis doon. According to him, napamahal na sa kanya ang lupa. Sabi niya, bibilhin na lang daw niya uli ang lupang yon in installment until he completes the whole amount of the land.
Anong kaso ang maari kong isampa kay Justiniano? Marcel De Dios, Guam
Maaari mong kasuhan si Justiniano ng Unlawful Detainer. Ang Unlawful Detainer is the act of unlawfully withholding the possession of the land or building against or from a landlord, vendor, vendee or other persons, after the expiration or termination of the detainers right to hold possession by virtue of a contract, express or implied. Maliwanag sa kuwento mo na lumabag si Justiniano sa usapan ninyo at wala na siyang karapatang manatili pa sa iyong lupa.
Ang mga kaparusahan sa isang Unlawful Detainer ay ang: 1) Pagbabalik sa tunay na may-ari ng kanyang lupain o building sa pamamagitan ng writ of preliminary mandatory injunction; 2) demand to vacate: 3) payment of rent.