Dapat natin silang bigyan ng panibagong buhay para maka-recover sa kanilang matinding problema.
Noong isang linggo dumating sa bansa matapos dumalo sa isang international seminar ang grupong tinaguriang Pinoy drug dependents buster, sila ang tutulong sa bawat pamilya para labanan at talikuran ang ilegal na paggamit ng drugs.
Si Ed Castillo ang Executive Director at Pangulo ng Seagulls Flight Foundation, Inc., ang grupong nagmamalasakit na tumutulong sa gobyerno para sugpuin ang anay na sumisira sa bawat Pinoy na tumitira ng droga.
Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Ed, ayon dito nakahanda ang kanyang pribadong pasilidad na ginagamit sa pagpapagaling at rehabilitasyon ng mga substance abusers para makatulong sa ibat ibang sangay ng gobyerno upang matulungan ang mga drug dependent families para talikuran ang masamang bisyo at makapag-bagong life.
Ayon kay Ed, dumalo sila sa regional conference sa Bangkok sa isang joint venture sa pagitan ng Exxon Oil, Daytop International, Asian Federation of Therapeutic communities at Thanyarak Institute of Drug Abuse para talakayin ang pag-organisa ng epektibong samahan ng pamilya at iiwas sila sa paglaklak at pagkagumon sa droga.
Ang Seagulls Flight Foundation, Inc., ay isa sa itinuturing na primary movers sa Therapeutic community modality of treatment ng Pilipinas na may tanggapan sa Makati City. Sa mga magulang na nangangailangan ng kanilang tulong ay huwag mag-atubiling tumawag sa telepono bilang 899-33-34 or 896-04-07 para sa mabilis nilang paggaling.
Huwag kayong mag-alala at mananatiling confidential ang inyong mga transaksyon dito.
Maayos ba ang Seagulls Flight Foundation, Inc.? tanong ng kuwagong dupang.
Kung pasilidad lamang ang pag-uusapan ay hindi ito pahuhuli porke ito ang nangunguna sa bansa sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Baka naman mapahiya tayo diyan kapag dinala ko ang kamag-anak kung drug dependent? sabi ng kuwagong Kotong cop.
Diyan pupusta ako kapag hindi gumaling dodoblehin ko ang gastos mo? anang kuwagong urot.
Bigyan natin ng pagkakataon ang mga dupang biktima lamang sila ng mga sindikato ng droga.
Sa palagay ko tama ka kamote.
Saan?
Gamutin ang mga drug dependents at ibaon ang mga drug pushers.
Diyan tumpak ka, lagapot!