Ang nasa likod ng hayagang jueteng operations sa siyudad ni Fresnedi ay si Leo Loyola na ang financiers naman ay sina alyas Thelma at Ching na kapwa taga-Bicol. Ang isang grupo naman ay yaong kina Boy Arojado at Josie, ayon sa sulat na natanggap ko. Si Arojado ay pulis na naka-assign sa Butuan City pero hindi siya nagre-report doon dahil mas malaki pa ang kinikita niya sa jueteng keysa suweldo niya. Totoo ba na kumpare ni Arojado si Interior Secretary Joey Lina? Aba, nagkabistuhan na.
Ang itinuturong nasa likod ng pagbalik ng jueteng sa Muntinlupa City ay ang isang retiradong pulis na alyas Rolly. Dating opisyal ng Southern Police District (SPD) si Rolly kayat alam niya ang pasikot-sikot sa siyudad ni Fresnedi at may say siya kung jueteng ang pag-uusapan. Mabangis si Rolly sa usapang porsiyentuhan, ayon sa mga aktibong pulis na aking nakausap. At para mailayo nga si Fresnedi sa iskandalo kapag nabulgar ang pagbabalik ng jueteng sa siyudad niya, ang ginagamit nitong si Rolly ay ang Public Order and Safety (POS) para mangolekta ng lingguhang intelihensiya. Bakit hindi kayang sawatain ni Sr. Erasto Sanchez, hepe ng Muntinlupa City police, si Rolly? Baka naman may pinagsamahan sila, he-he-he! Iisa ang lalim ng kanilang bulsa, no mga suki? May alagang tsiks daw si Rolly sa opisina ni Sanchez?
Pero kapag hindi nasawata ang jueteng operations diyan sa Muntinlupa City, hindi lang si Mayor Fresnedi ang mapapahiya kundi maging si Sanchez, di ba mga suki? Kasi nga kaliwat kanang mga award ang tinanggap niya sa Philippine National Police (PNP) para sa taong 2002 at mabalewala lamang dahil sa patuloy na jueteng operations sa siyudad ni Fresnedi. Siya ang lalabas na mas kahiya-hiya, Ano ba yan?
At hindi lang pala sa Muntinlupa may pa-jueteng si Loyola dahil siya rin ang itinuturong nasa likod ng namamayagpag na jueteng sa katabing siyudad ng Las Piñas. Ang kasosyo naman ni Loyola sa siyudad ni Mayor Nene Aguilar ay si Teddy Tamayo, ayon pa sa sulat na natanggap ko. At hindi lang sina Loyola at Tamayo ang magpa-jueteng doon dahil maging sina Sani Aguilar at Esmer ay mayroon ding mga puwesto, anang sulat. Totoo ba na kapag nalasing si Aguilar ay ipinagyayabang niya na untouchable siya sa Las Piñas at walang makakagalaw ng kanyang mga pinoprotektahang ilegal. May relasyon kaya si Mayor Aguilar kay Sani? Tanong lang.
Totoo ba na pati si Sr. Supt. Armando Pineda, hepe ng pulisya sa Las Piñas ay niloloko ni Sani tungkol sa intelihensiya? Para malinis nina Mayor Aguilar at Sr. Supt. Pineda ang kani-kanilang mga pangalan, dapat kalusin na nila ang laganap na pa-jueteng nina Sani, Loyola, Tamayo at Esmer, di ba mga suki? Tinatawagan ko rin si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, hepe ng NCRPO na magsasagawa ng malawakang raid laban sa jueteng sa Muntinlupa City para mapanatili itong jueteng-free. Isama na rin niya ang siyudad ni Aguilar para matahimik na si Loyola.