Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?" At siyay ayaw nilang kilanlin. Kayat sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propetay iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay." Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya."
Ang maling paniniwala o pag-aakala ang dahilan kung bakit hindi natin makita ang katotohanang nakalahad sa atin. Ang mga tao sa Nazaret, mga kababayan ni Jesus, ay kilala siya bilang anak ni Jose, ang karpintero. Iyon lamang si Jesus para sa kanila. Kay lungkot naman!
Para bagang tayoy nakakita ng perlas, at sinasabi nating iyon ay peke. Walang halaga. Nangniningning subalit hindi tunay.
Nakalulungkot talaga para sa mga taga-Nazaret. Narito si Jesus, Anak ng Diyos, Manunubos ng sangkatauhan. Ang Manunubos ay hindi nila tinanggap. Naramdaman ni Jesus ang pagkaunsiyami. Hindi siya makaganap ng mga himala para sa kanila. Marami silang inaakala. Ito ay ordinaryong tao lamang. Nagpapanggap lamang.
Totoo ba ito sa inyo? Sanay talagang madama ninyo si Jesus na inyong Diyos at Tagapagligtas. Idinadalangin namin na bigyan niya kayo ng pusong hindi mapaghusga. Tulad ni Tomas, maaari ninyong sabihin: "Panginoon kot Diyos ko!"