Ang palatandaan ng kaposis sarcoma ay ang pagkakaroon ng pantal na kulay violet. Ito ay dahil sa tumor na kadalasang makikita nga sa paa, sakong at kumakalat sa kamay at mga palad. Mas delikado kapag umatake sa mga AIDS patients sapagkat magkakaroon ng pagdurugo sa kanilang gastro-intestinal at respiratory tracts. Posible rin ang pagkakaoon ng anemia.
Hindi matiyak kung ano ang dahilan nang pagkakaroon ng sakit na ito subalit nabalita na ito ang dahilan ng pagkamatay sa maraming bansa sa Africa. The form of the disease associated with AIDS is more advance and the prognosis is poor. Kadalasang kasama ng sakit ang malignant lymphoma, diabetes at iba pang sakit.
Radiotheraphy ang paraan ng paggamot sa sakit na ito subalit epektibo lamang sa mga hindi pa malubha. Chemotheraphy naman ang kailangan para sa malubha nang kaso ng kaposis sarcoma upang mapigilan ang paglaki o pagkalat ng tumor.