Halintulad sa tanim

SA nayon ay maraming kataga na galing sa mga tanim. Hinahalintulad sa anyo o asal. Kailangan lang pag-aralan o magtanong sa nakakatanda para maintindihan ang ibig sabihin.

Narito ang ilang halimbawa:

• Buhok abaka — tawag sa mga ubanin dahil sa maputi ang mga buhok.

• Mangamatis — namamaga na kapareho ng hinog na kamatis. Karaniwan ay may impeksiyon.

• Buhok mais — taong may buhok na mamula-mula.

• Mangalabasa — mag-aaral na bumagsak sa eskuwelahan.

• Mangamote — mahina ang ulo at hindi makapasa sa eksaminasyon.

• Balat sibuyas — maramdamin, madaling mapikon.

• Balat bunga — hindi tapat o hindi tunay ang pakikipagkapwa-tao.

• Dahong malilim — malilim na puno. Ang ibig sabihin ay taong nagkasakit pero malapit nang gumaling o pagaling na.

• Utak-dayami — isang tao na kalat ang pag-iisip at hindi tuwid kung mangatwiran. Hindi maaaring kausapin dahil pabagu-bago ng paninindigan.

Show comments