Minsay tinanong ako ng kaibigan natin at kasamahang kolumnistang si Tony Calvento kung wala akong bodyguard. Sabi koy Diyos na lamang ang nangangalaga sa kin. I believe prayer really works. Pero kung naniniwala kang kailangan mo ng proteksyon sa sarili bukod sa panalangin, iginagalang ko ito.
Pero paano iyan? Bawal na ngayon sa mga sibilyan ang magbitbit ng baril. Kung may lisensyadong baril ka, hindi ka na iisyuhan ng permit to carry. Hanggang bahay na lang ang sandata mo. kung may dati ka nang permit to carry, hintayin mong mag-expire ito at hindi na ire-renew. Iniutos ni Presidente Arroyo kay Philippine National Police Chief Director General Hermogenes Ebdane na ihinto na ang pagbibigay ng permit to carry firearms sa mga sibilyan. Mga alagad ng batas na lamang at miyembro ng militar ang may kapangyarihang magdala ng baril sa publiko.
Okay sana ang direktiba kung maayos ang peace and order situation. Pero kabi-kabila ang mga holdapan at snatching bukod pa sa nangyayaring kidnapping. Mayroon ding mga sibilyang may banta sa kanilang buhay dahil sa pagtalima sa kanilang tungkulin tulad ng mga mamamahayag na gaya namin ni Tony C. at mga abogado. Happy, happy birthday nga pala, Bro. Tony and may the good Lord prosper you with both material and spiritual riches.
Kung ang mga taong itoy kayang protektahan ng pamahalaan, well and good. Pero hindi nga eh. Di nga ba may mga pangyayari na ang mga pulis mismo o sundalo ang sangkot sa mga karumaldumal na krimen?
Matutuwa marahil yung mga nagtataguyod ng total gun ban. Pero mas matutuwa ang mga elementong kriminal. Mga kriminal na kahit walang lisensya ay nakapagdadala ng baril na ginagamit sa kanilang kabuktutan. Sila ang mga taong magpipista. Madali na silang makapanduduro ng bibiktimahing sibilyan na alam nilang walang kalaban-laban. Pabor ako sa gunless society but with a big IF. KUNG magagarantiyahan ng pamahalaan na walang mananakit sa sino mang tao.